Pakiusap Lamang na Ituro sa mga Mag-aaral sa California ang Kasaysayan ng mga “Comfort Women”
Para Sa Mga Pinagkakaukulan:
Sumusulat po ako para ipahiwatig ang aking suporta para sa minumungkahi na pagbababago sa aklat ng mga 10th Graders na isali ang kasaysayan tungkol sa sinasabing mga “Comfort Women”.
Ito ay isa sa mga madilim na kabanata sa kasaysayan ng sangkatauhan kung saan inabuso ng mga sundalong Hapones ang libu-libong mga kababaihan na ginawang mga aliping sekswal ng Militar (estimadong kasing dami ng 400,000 galing sa 11 iba’t-ibang mga bansa), mula noong 1932 hanggang 1945.
Noong 2007, inatasan ng Congreso ng Estados Unidos ang gobyerno ng Hapon para:
1) pormal at malinaw na aminin, humingi ng tawad, at tanggapin ang responsabilidad sa kagagawang ito,
2) na itong opisyal at pormal na pang publikong pahayag ay manggaling sa Pinunong Ministro ng bansang Hapon,
3) malinaw at sa publikong pabulaan ang mga pahayag na hindi daw nangyari ang pang-aaliping sekswal at ang pag-trapiko ng mga taong “Comfort Women” ng mga sundalong Hapones;
4) imulat sa kasalukuyan at hinaharap na mga henerasyon ang karumal-dumal na krimen na ito, habang sinusunod ang mga rekomendasyon ng mga taga ibang bansa tungkol sa mga “Comfort Women”.
Ipinakita nang ating mga paaralan ang epektibong pagtuturo ng mga iba pang nakaraang mga trahedya sa mundo, kaya naniniwala ako na itong kasong ito ay hindi naiiba. Gaya ng ating pangako na masikap na ituro sa ating kabataan ang tungkol sa “Holocaust”, kahit na tinanggap na ng Alemanya ang responsabilidad dito, naniniwala ako ano mang krimen laban sa sangkatauhan ay dapat ituro sa mga paaralan – lalo na at ang mga biktima ay humihiling ng pormal na pag-amin at paghingi ng patawad galling sa gobyernong may pananagutan sa krimen na ito laban sa sangkatauhan.
Pinupuri ko ang California Department of Education dahil sa pagsisikap nila na isali sa mga aklat itong importanteng kabanata sa kasaysayan ng sangkatauhan. Taos puso kong sinusuportahan ang ating mga guro na turuan ang ating kabataan para sila ay matuto at hindi na ulitin ang parehong pagkakamali.
Nagpapasalamat ako sa Department of Education sa kanilang pamumuno.
[ ] Pakipadala sa aking email ang mga bagong impormasyon.